Wednesday, April 04, 2007

Walang Titulo, Walang katuturan.

Naglalakad si Juan sa kahabaan ng Edsa sa kanto ng Gen.Tino street sa kalookan. Malapit lapit ito sa aking dating skwelahan na ngayo'y unti unti ng nilalamon ng apoy. Nagtatakbuhan ang kabataan habang unti unting nagdadagsaan ang mga usisero, trak ng pulis at bumbero sa sinasabing lugar. Pero wala na silang magagawa, kumakalat na ang sunog at unti unti na nitong nilalamon ang utak ng mga usiserong nakapaligid dito, usiserong wala namang ibang ginawa kung di makielam, Usiserong wala naman talagang alam, usiserong wala namang magagawa. Pero sa tingin nyo? ano bang nasa utak ng isang usisero bukod sa apoy na unti unting lumalamon sa kanilang maliliit na utak? Di ko alam, pwede mong itanong sa kanila, pwede mong itanong sa kanila kung ano na ang nangyari, pwede mong itanong sa kanila kung may natitira pang pagasa. Pagasa na matagal tagal naring inaasam ng ating mga kababayan, pero di nila alam sila rin ang sumisira sa pagasang ito. Pagasang makakaahon pa ang ating bansang lugmok na lugmok na sa kahirapan, katiwalaan, katangahan, kabulastugan, kagaguhan, kababuyan, katamaran at kung ano ano pang katarantaduhan. Pero kung ikaw ang tatanungin, ano ang pagkakaalam mo sa salitang pagasa? Para sakin, Ito'y ang ang daanang naguugnay sa bago bantay at sa mindanao avenue sa likod ng SM. Pero baka sayo'y iba ang ibig sabihin nito. Maaring may masmalalalim na salita pang pwede nating gamitin upang mabigyang larawan ang napakasimple ngunit napakalalim na salita. Ngunit teka muna? May katuturan pa ba ang pinagsasabi ko dito? Oo, Sinubukan kong magkape bago isulat ito, Sa totoo lang nagkakape parin ako hanggang ngayon. Pero ano nga ba ang kape? Makaktulong kaya ito sa ating patuloy na lumalagapak na ekonomiya? Ano ba ang importansya nito sa ating pang araw araw na buhay? Wala! Wala! Wala! Pero ito seryosong tanong, San ba nagsimula ang salitang wala? Pano nating masasabing wala itong laman kung ginagamit natin ito sa pangaraw araw na pamumuhay? Wala lang, Wala talaga, Wala naman. Ano ang ibig sabihin ng wala? Wala, Wala talagang ibig sabihin ang wala kasi wala nga diba? tanga ka ba? kaya ngang sinabing wala kasi wala itong laman, kaya wala itong laman kasi wala itong ibig sabihin. Pero pano kaya kung wala tayong lahat? di nyo ba naisip yun? pano kung wala ang diyos? walang tubig, walang pagkain at wala ang lahat? Ngayon babaliwalain nyo pa ba ang salitang wala? Antanong, mabibigyang importansya ba natin ito? Ewan. Ewan, isang napakakomplikadong salita. Ito'y nagdudugtong sa salitang wala sa pagkakaroon ng isang kahulugan. Kaya ngayon anong kahulugan ng ewan? ewan, di ko alam. di ko alam kung san nila pinagpupulot yung mga ganyang klaseng salita. Wala namang kahulugan lahat. Kita nyo? Nakita nyo ba? Ginamit ko na naman ang salitang wala kaya pano nyo masasabing walang kahulugan itong salitang ito? eh kung gamitin natin to eh halos minuminuto natin ito ginagamit. Ano? Kaso wala paring kahulugan ito. Wala paring katuturan ang aking pinagsasabi magmula sa unang unang letrang aking isinulat dito sa babasahing ito. Tulad ng mga pulitikong wala namang ibang alam sabihin kung di ganito dapat ang ganito, ganito dapat ang ganun, ganito dapat ang ganyan. Tanga, hindi dapat ganyan yan, hindi dapat ganito iyon at hindi dapat ganito ito. Dapat siguro magpatiwakal ka na at magpaalam na sa mundong wala namang katuturan. wala namang katuturan oo wala naman katuturan. magpaalam na kayo sa isa't isa dahil parehas naman kayong walang ginagawa, walang itinutulong walang alam. pareparehas lang kayo, mas maganda pa siguro magpatayan na lang kayo kikita pa ang ating mga kapatid na embulsimador at yung mga putanginang hipokritong mga pari na wala namang ginawang mabuti sa atin. Mabuti pa siguro tayo'y tumahimik na lang, wala naman tayo'y naitutulong. Katulad nito, Wala naman talaga tong katuturan eh, Wala talaga, talagang wala. Kaya eto, tatapusin ko na. Tatapusin ko na ang aking maikling kagaguhan na nagpapakita kung gano talaga ako katanga at gano kawalang kwenta ang aking mga pinagsusulat. mamamaalam na ko, di nyo alam baka ito na ang huling babasahin na maisusulat ko, di nyo lang alam. walang kasiguraduhan ang buhay na ito, maaring ito na ay paalam. Paalam. Di ako makahinga, Magsuntukan na lang tayo.

No comments: