Thursday, June 21, 2007

Gaguhan 101

Nakaupo sya sa isang liblib na lugar
Nagaabang, nagiintay
Sa kung ano mang pagasang sa kanya'y maiibigay

Napakabilis ng pangyayari, naglaho na ang buwan
tapos na ang jumong at parang walang pagbabago

Kumuwa sya ng isang pakete ng sigarlyo
Hinithit, hinithit ng hinithit
Hangang masira ang kanyang ulo
Nasira na nga, pero wala paring pagbabago.

Nagdaan na ang taon, lumipas na ang konstitusyon
at senador na si pichay
Ganun parin ang sistema, habang buhay nalang ba syang
uupo't maghihintay?

Bakit di nya kaya subukang tumayo?
Subukang gumawa ng pagbabago
sa kanya't sa kanya lamang ito magsisimula
Nakukuwa nyo ba ko?

Reklamo sya ng reklamo
Bakit ganito bakit ganyan?
Eh kung di ka ba naman gago't kalahati
di mo ba naiintindihan?
na lahat ng bagay ay hindi nadadaan sa paupo upo lamang
Tangina, tumayo ka't lumaban pare ko, wag kang magpapaharang

>This is what I call, an outlet. I'm pissed off and I'll try to write away my mood<

No comments: