Thursday, July 05, 2007

Dahan dahan

Kay lamig ng simoy ng hangin ngayong gabi,
sabay sa pagpatak ng ulan.
Walang ibang hawak kung di lapis at papel,
nakakalat sa aking harapan.

At dahan dahan na akong natututo,
sa mga bagay na dapat matagal ko nang alam.
At dahil sa aking ngayo'y nararanasan,
sakit ngayo'y hindi na ramdam

At habang tumatagal ang panahon,
dahan dahan akong nagiging manhid.
Wala nang pakialam sa mga bagay bagay,
at kahit ano mang balakid.

Wala mang salitang nanggagaling sakin,
sa sulat ko idadaan.
Ito ang tanging buhay ko ngayon,
eto lang ang tanging paraan.

Hindi mo man maintindihan ngayon,
ang aking tunay na nadarama.
Ang aking tanging hiling na pagdating ng panahon,
aking layunin ay alam mo na.

At dahan dahan ka naring matututo,
dahan dahan mo na ring malalaman.
Ang minsa'y dahan dahan kong pinagdaanan,
balang araw ay dahan dahan mong maiiwasan.

No comments: