Nakakabulag ang liwanag,
Nakakabulag.
Ang liwanag na dulot ng pangsamantalang kaligayahan
Ayaw ko nang umalis.
At sa liwanag ako'y sumulyap
Kinalimutan na ang dilim
Ngunit ng sumarado na ang pinto
Ngayon ko lang nalaman kung gano kalagim
Ang maiwan sa gitna, di alam ang gagawin
Kung susulong ba pasugod
O aatras narin.
Di ako makahinga, nandyan ka pa ba?
Di ako makahinga, may liwanag pa ba?
Di ako makahinga, di narin makagalaw
Di na makapagisip at di namakatanaw
Sa liwanag na minsa'y pinamahayan ng pagasa
Sa liwanag na minsa'y iyong pinaranas
Sa liwanag na minsa'y nagsilbing buhay
Sa isang gamu gamong walang patutunguan.
Saturday, June 30, 2007
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
good music in your blog, lol
Post a Comment